Inaasahan ang pag-iral ng Trough of Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng rehiyon, ayon sa pinakahuling weather advisory.
Sa Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Palawan, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms bunsod ng Southwesterly Windflow. Posible rin ang pagbaha at landslide sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.
Sa natitirang bahagi ng Mindanao, inaasahan din ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Trough of LPA, na may kaparehong banta ng flash flood at landslide sa mga lugar na apektado ng malalakas na buhos ng ulan.
Sa Eastern Visayas, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies. Posible rin ang pagbaha at landslide tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorm activity.
Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms, na maaari ring magdulot ng flash floods o landslide sa oras ng malalakas na pag-ulan.
Patuloy ang paalala sa publiko na maging alerto sa posibleng biglaang pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar.

















