Humihiling ng panalangin ang pamilya ng mag-inang nasawi matapos ang lindol na yumanig sa Sarangani kahapon, June 8.
Ang mga biktima ay residente ng Pacman Village, Area 4, Tango, Glan, Sarangani at kabilang sa mga nasawi sa naturang pagyanig na nagdulot ng matinding takot at pinsala sa ilang bahagi ng lungsod.
Ayon sa mga kaanak, labis ang dalamhati ng pamilya sa biglaang pagkawala ng mag-ina, lalo na ng naulilang asawa at ama na sabay na nawalan ng mahal sa buhay sa iisang trahedya.
Patuloy ang pagdadalamhati ng pamilya habang inaalala ang mga masasayang alaala ng mag-ina at inihahanda na ang kanilang huling hantungan.
Samantala, nananatiling sariwa sa alaala ng mga residente ang mapaminsalang lindol na nagdulot ng takot at pinsala sa iba’t ibang bahagi ng General Santos City at karatig-lugar.

















