Patuloy na nakaaapekto ang localized thunderstorms sa buong BARMM.
Ngayong araw, inaasahan ang bahagyang maulap na kalangitan, na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa ilang bahagi ng rehiyon.
Dahil dito, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makakaranas ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Kabilang sa mga lugar na sakop ng outlook ang Tawi-Tawi, Lanao del Sur, Basilan, Maguindanao del Norte, Cotabato City, at Maguindanao del Sur.

















