Nilinaw ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may pasok pa rin bukas, June 16, 2026 sa kabila ng paggunita ng ‘Amun Jadid’ o First Day of Muharram.
Batay sa Bangsamoro Holidays Act o BAA No. 39, itinuturing na Special Working Holiday sa BARMM ang naturang okasyon. Dahil dito, tuloy pa rin ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno, paaralan, at iba pang lugar ng trabaho sa rehiyon.
Nakasaad din sa batas na ang mga holiday na nasa ilalim ng Presidential Decree No. 1083 ngunit hindi partikular na nakatalaga sa naturang batas ay awtomatikong inoobserbahan bilang Special Working Holiday.

















