ITINAKDA sa Hunyo 25, 2026 ang isang peace rally sa Cotabato City matapos magsumite ng kahilingan ang Multi-Sectoral Peace Rally Steering Committee para sa pagsasagawa ng mapayapang pagtitipon.

Ayon sa komite, layunin ng aktibidad na ipanawagan ang ganap na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, na itinuturing na mahalagang pundasyon ng kapayapaan sa rehiyon.

Nais din nilang himukin ang mas matibay na pagkakaisa, kooperasyon, at pangmatagalang kapayapaan sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa pamamagitan ng nasabing pagtitipon.