Iginiit ni House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na may konstitusyonal na obligasyon si Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa Senate impeachment court sa pagsisimula ng kanyang impeachment trial sa Hulyo 6.

Ayon kay Luistro, bagama’t pinahihintulutan ng impeachment rules na katawanin ng abogado ang bise presidente, ang hindi niya personal na pagdalo ay ituturing lamang bilang pagpasok ng “not guilty” na plea.

Binigyang-diin din ng mambabatas na ang pagharap sa impeachment court ay bahagi ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng prinsipyong “public office is a public trust.”

Una nang sinabi ng kampo ni Vice President Duterte na ang kanilang magiging hakbang kaugnay ng paglilitis ay nakabatay sa umiiral na mga tuntunin ng impeachment court.