Kasalukuyang isinasagawa ngayong umaga ang UBJP-MILF Peace Advocate and Voter’s Education Program sa Barangay Madia, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Pinangungunahan ng “BIAF-MILF Interim Base Command”sa ilalim ng pamumuno ni Commander Haun Sindatok ang naturang aktibidad na naglalayong palawakin ang kamalayan ng mamamayang Bangsamoro hinggil sa kahalagahan ng kapayapaan at responsableng pakikilahok sa halalan.

Bilang pangunahing tagapagsalita, dumalo si Mohagher Iqbal kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan, pagkakaisa ng Bangsamoro, at matalinong paggamit ng karapatang bumoto bilang mahalagang bahagi ng demokratikong proseso.

Nakiisa rin sa programa si Ustadz Saad H. Sindatok, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Maguindanao del Sur sa Bangsamoro Parliament, bilang suporta sa mga programang nagsusulong ng pagkakaisa, mapayapang halalan, at pagpapalawak ng kamalayang pampulitika ng mamamayan.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga botante na maging responsable sa pagpili ng mga lider na may kakayahang magsulong ng mabuting pamamahala, katarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.