Pinarangalan si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa pamamagitan ng isang testimonial parade na isinagawa ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kahapon, July 4, bilang pagkilala sa kanyang nalalapit na pagreretiro sa July 20 at pagtatapos ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng AFP.

Si Brawner, na kabilang at naging salutatorian ng PMA Makatao Class of 1989, ang kasalukuyang ika-60 hepe ng AFP matapos italaga sa posisyon noong Hulyo 2023.

Ipinanganak at lumaki sa Baguio City ang 58-anyos na heneral. Anak siya ng yumaong Court of Appeals Presiding Justice Romeo Brawner Sr. at ni Lenora Fe Brawner, dating propesor ng University of the Philippines Baguio.