Hinimok ni House trial spokesperson at Renee Co si Sara Duterte na personal na humarap sa unang araw ng kanyang impeachment trial na nakatakda ngayong Hulyo 6.
Ayon kay Co, umaasa siyang hindi iiwas o hindi “mang-ghost” ang bise presidente sa pagdinig at haharap ito upang tugunan ang mga isyung ibinabato laban sa kanya.
Binigyang-diin din ng mambabatas na mahalagang maisakatuparan ang buong proseso ng impeachment bilang bahagi ng pananagutan sa publiko at upang mabigyan ng malinaw na kasagutan ang sambayanang Pilipino.
Nanawagan din si Co sa mga senator-judges na gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad, pagiging patas, at dedikasyon upang matiyak ang makatarungan at maayos na pagdinig sa kaso.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Co, “Our one wish is that VP Sara doesn’t ghost the Filipino people on Day 1 of the trial,” bilang panawagan sa bise presidente na humarap sa itinakdang paglilitis.

















