Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City upang inspeksyunin ang kasalukuyang operasyon at ang isinasagawang rehabilitasyon ng mga pasilidad nito.

Ayon sa Pangulo, mahalagang matiyak na ang imprastraktura ng pinakamalaking fish port sa bansa ay naaayon sa lumalaking pangangailangan ng sektor ng pangingisda at ng publiko.

Bahagi ng hakbang na ito ang patuloy na programa ng administrasyon na pagandahin at palakasin ang mga pampublikong pasilidad na nagsisilbi sa industriya ng pangingisda, kasabay ng layuning mapanatili ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong-dagat para sa mga Pilipino.