Magkakaroon ng nakatakdang power interruption sa ilang bahagi ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Linggo, Hulyo 19, 2026, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ayon sa abiso, maaapektuhan ang mga lugar na sakop ng MAGELCO, kabilang ang Capiton, Rajah Silongan Kudarat, Salbu, at Talayan Substations.
Isasagawa ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente upang bigyang-daan ang shutdown ng Esperanza-Capiton 69kV Line segment para sa pagpapalit ng line hardware.
Nakasaad din sa abiso na ang mga partikular na lugar na maaapektuhan ay tutukuyin ng electric cooperative. Samantala, tiniyak ng NGCP na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga o ayon sa itinakdang iskedyul.

















