Nagpaalala ang Malacañang sa publiko hinggil sa dalawang opisyal na holiday na ipagdiriwang ngayong buwan ng Agosto.
Batay sa Proclamation No. 1006, idineklarang Special (Non-Working) Day ang Agosto 21, 2026 (Biyernes) bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, na nagbibigay-pugay sa buhay at ambag ng yumaong Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa kasaysayan ng bansa.
Samantala, Regular Holiday naman ang Agosto 31, 2026 (Lunes) para sa pagdiriwang ng National Heroes Day, isang taunang paggunita sa kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong nagbigay ng mahalagang ambag sa kalayaan at pag-unlad ng Pilipinas.

















