Inilunsad ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS-BARMM) ang Public Safety Election Awareness Campaign Series bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.
Layunin ng kampanya na palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa responsableng pakikilahok sa halalan, mga karapatan ng mga botante, mga ipinagbabawal na gawain sa panahon ng eleksyon, at wastong pag-uugali upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa mga komunidad.
Ayon sa MPOS-BARMM, mahalagang maging responsable ang bawat mamamayan sa pagbabahagi ng impormasyon, maging sa mga campaign activities o sa iba’t ibang online platforms, dahil maaari itong makaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.
Hinikayat din ng ahensya ang publiko na maging mapanuri at makiisa sa pagsusulong ng isang mapayapa, maayos, at ligtas na halalan sa Bangsamoro.

















