Rescheduled ang filing ng COC o ng Certificate of Candidacy ng mga nagbabalak na kumandidato para sa darating na First BARMM Parliamentary Elections sa 2025.
Imbis na sa darating na Oktubre 1 hanggang 8, ito ay iniurong na mula Nobyembre 4 hanggang 9. Ito ay kasabay ng ipinalabas na desisyon ng Supreme Court na naghihiwalay ng Sulu sa BARMM.
Mananatili naman ang Oktubre 1-8 na araw ng filing para sa ibang mga pwesto sa rehiyon kagaya ng Gobernador, Bise Gobernador, Board Members, Mayor, Vice Mayors at mga konsehales.