Pinagtitibay ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region o PRO BAR ang paghahanda nito para sa ligtas, maayos at mapayapang pagdaraos ng 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Pinangunahan ni PBGen. Christopher M. Abecia, Regional Director ng PRO BAR, ang Regional Task Group Meeting kahapon, Setyembre 4 sa Camp BGen. Salipada K. Pendatun sa Parang.
Dumalo nang personal at online ang mga opisyal at key personnel ng PRO BAR upang pag-isahin ang operational plans, partikular sa deployment, intelligence-led operations, police-community relations, logistics at imbestigasyon.
Binigyang-diin ni PBGen. Abecia ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pamumuno, kahandaan sa operasyon, disiplinadong pagpapatupad ng mga plano at tuloy-tuloy na koordinasyon ng lahat ng concerned units.
Layunin ng PRO BAR na matiyak ang ligtas, mapayapa, maayos at secure na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

















