Nagsagawa ng campaign rally ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa District 1 ng Special Geographic Area, na dinaluhan ng mga tagasuporta at kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng BARMM.

Idinaos ang pagtitipon kahapon September 6 sa Jamiat Cotabato Shimaly Al Islam sa Barangay Manaulanan, Tugunan, bilang bahagi ng kampanya ng partido para sa nalalapit na BARMM Parliamentary Election.

Naging tampok sa aktibidad ang mga talumpati at mensahe ng mga kinatawan ng partido, kasama ang pagpapakilala sa mga isinusulong nitong kandidato at programa para sa Bangsamoro.

Dumalo rin ang mga residente at iba’t ibang grupo mula sa SGA District 1 na nakibahagi sa aktibidad.

Bahagi ang naturang pagtitipon ng serye ng mga aktibidad pangkampanya ng mga partidong naghahanda para sa nalalapit na halalan sa BARMM.