Nakipagpulong si Turkish Ambassador to the Philippines Kaan Esener kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa Camp Darapanan noong Oktubre 31, 2026 upang talakayin ang usapin ng kapayapaan at ugnayan ng Türkiye at MILF.
Sa courtesy visit ng ambassador kasama ang kanyang delegasyon, ipinaabot nito kay Murad ang pagbati ni Turkish President Recep Tayyip Erdoğan bilang pagpapakita ng patuloy na ugnayan ng dalawang panig.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, kasalukuyang estado ng peace process, at mga posibleng epekto ng unang Bangsamoro parliamentary elections sa susunod na yugto ng pamamahala sa rehiyon.
Dumalo rin sa pagpupulong si MILF First Vice Chairman Mohagher Iqbal.
Muling pinagtibay ng naturang pagbisita ang interes ng Türkiye na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa MILF at suportahan ang pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

















