Pinalawig hanggang Setyembre 15 ang special non-working holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Sa Proclamation No. 0007 na nilagdaan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, idineklarang special non-working holiday ang Martes, Setyembre 15.
Layunin nito na mabigyan ng panahon ang mga residenteng uuwi at muling bibiyahe pabalik sa kanilang mga lugar matapos ang botohan sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Nauna nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang Setyembre 14, Lunes, na siyang araw ng halalan.

















