Sumailalim sa disaster risk reduction and management o DRRM training ang mga staff ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Odin Sinsuat, kasama ang mga barangay representatives mula sa iba’t ibang barangay ng Maguindanao del Norte.
Isinagawa ang pagsasanay ng Office of Civil Defense-BARMM noong Setyembre 22 hanggang 25 sa General Santos City.
Layunin ng training na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa disaster preparedness at pagtugon sa mga sakuna at emergency.
Inaasahang makatutulong ang naturang pagsasanay sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga barangay sa disaster risk reduction and management at sa pagbuo ng mas ligtas at disaster-resilient na mga komunidad.

















