Natagpuan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station o DOS MPS ang isang puting Honda Click 125 na may plakang N816QJ sa boundary ng Barangay Tambak at Barangay Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Kahapon Setyembre 27.

Pinangunahan ni Deputy Chief of Police Police Captain Sammy Paning ang pagresponde ng mga pulis sa lugar matapos matanggap ang impormasyon tungkol sa motorsiklo.

Nakipagtulungan naman sa operasyon ang Barangay Local Government Unit o BLGU Tanuel, sa pangunguna ni Barangay Chairman Tamano A. Kasan, kasama ang mga kagawad, Lupon at Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT.

Katuwang din ng mga awtoridad ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Vice Mayor Datu Bobsteel Sinsuat.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng motorsiklo at ang dahilan kung bakit ito naiwan sa naturang lugar.