Isinusulong ngayon ng mga mambabatas ng Bangsamoro Transition Authority o BTA ang batas na naglalayong palitan ng pangalang Municipality of West Upi ang Datu Blah Sinsuat.
Layunin aniya ng pagpapalit ang parangal sa makasaysayang pinagmulan maging ang lokasyong geograpikal nito. Labing siyam na mga Members of Parliament ang nagtutulak ng proposed BTA Parliament Bill 328 kung saan ito ay napapaloob sa pambansang konstitusyon ng 1987 at Coda ng Lokal na Gobyerno ng taong 1991.
Ang bayan na dati ay bahagi ng North Upi ay opisyal na kinilala sa ilalim ng Muslim Mindanao Autonomy Act Number 198 at niratipikahan sa pamamagitan ng plebesito taong 2006.
Sasailalim sa plebesito ang naturang pagpapalit at munkahing pagbabago upang maditermina kung mapapalitan ang pangalan ng bayan ng Datu Blah Sinsuat patungong West Upi.