Pinapaalalahanan ng Cotabato Transport and Traffic Management Center o CTTMC ang mga driver ng payong-payong na huwag bumiyahe sa mga highway.
Ayon sa CTTMC, nagsasagawa sila ng Operation Payong-Payong matapos umanong lumampas sa itinakdang ruta ang ilang payong-payong at nagsimula nang magsakay ng mga pasahero sa mga highway.
Ipinaalala na nakasaad sa City Ordinance No. 4644 o TRY Habal na ang mga payong-payong ay maaari lamang bumiyahe sa mga barangay road at hindi pinapayagang bumiyahe sa mga highway.
Ayon kay CTTMC Chief Moin Nul, pagpapatupad lamang umano ng batas trapiko ang kanilang ginagawa at kinakailangang sumunod ang mga driver para sa kaligtasan ng lahat.
Hinimok din niya ang mga driver na pairalin ang disiplina at sundin ang itinakdang ruta.

















