Nagbalik sa kanilang yunit ang mga tauhan ng 27th Infantry (Action) Battalion matapos tumulong sa seguridad ng 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections noong Setyembre 14.
Isinagawa ang welcome ceremony para sa mga sundalo noong Oktubre 7, 2026, sa Sitio Pag-asa, Barangay Malabog, Paquibato District, Davao City, sa pangunguna ng mga opisyal ng 10th Infantry Division at 1003rd Infantry Brigade ng Philippine Army.
Na-deploy ang 27IB sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM upang dagdagan ang puwersang panseguridad ng 6th Infantry Division sa panahon ng halalan.
Sa seremonya, inilahad ni Lieutenant Colonel Eliezer Bejarin, commanding officer ng 27IB, ang ulat sa pagtupad ng kanilang misyon, habang ginawaran naman ng Military Merit Medal ang mga tauhang lumahok sa operasyon.
Pinuri ni Major General Alvin Luzon, commander ng 10th Infantry Division, ang mga sundalo sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Matapos ang kanilang deployment sa BARMM, magpapatuloy ang 27IB sa mga susunod na misyon sa ilalim ng 10th Infantry Division.

















