Nauwi sa trahedya ang pagtatalo ng mag-ina sa Panglao, Bohol matapos matagpuang wala nang buhay ang isang 46-anyos na guro sa loob ng isang abandonadong septic tank sa Barangay Looc noong Sabado, Oktubre 31.

Itinuturo ng mga awtoridad na suspek sa krimen ang 15-anyos na anak ng biktima, na natunton sa isinagawang hot pursuit operation. Batay sa paunang imbestigasyon ng Panglao Police, nagkaroon umano ng alitan ang dalawa dahil sa madalas na pagliban sa klase at pag-cutting classes ng binatilyo.

Apat na beses umanong hin4mp@$ ng martilyo ang guro bago inilagay ang kanyang katawan sa lumang septic tank at tinakpan ng mga bato.

Narekober din sa kanilang bahay ang martilyong pinaniniwalaang ginamit sa insidente.

Nadiskubre ang bangkay matapos makatanggap ng ulat ang mga awtoridad tungkol sa isang abandonadong septic tank na pinamumugaran ng mga langaw.

Nang buksan ito ng mga opisyal ng barangay, doon nakita ang katawan ng biktima.

Samantala, sasailalim sa intervention program ng Department of Social Welfare and Development ang 15-anyos na suspek bilang Child in Conflict with the Law o CICL.