Isa pang mahalagang pagbabago sa katayuan ng Cotabato City matapos itong ideklarang Highly Urbanized City ngayong Martes, Nobyembre 3, 2026.
Ayon sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan, kasunod ito ng pagkakamit ng First-Class City status noong 2025, matapos manatili sa Third-Class City classification sa loob ng 16 na taon mula 2008 hanggang 2024.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang lungsod kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Malacañang at sa Office of the President dahil sa pagkilala at suportang ipinagkaloob sa lungsod.
Itinuturing itong makasaysayang hakbang para sa Cotabato City at sa mga mamamayan nito, matapos makamit ang isa sa mga matagal nang hangarin ng mga Cotabateño.

















