Natagpuan ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nitong Martes ng madaling-araw, Nobyembre 3.
Ayon sa Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR, bandang alas-5:50 ng umaga nang makatanggap ng ulat ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkakatuklas sa dalawang bangkay.
Sa paunang pagresponde ng mga pulis, napansin na kapwa may nakataling tie wire sa leeg ang mga biktima. Batay naman sa paunang imbestigasyon, posibleng itinapon lamang ang mga bangkay sa naturang lugar.
Sa ngayon, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki at wala pang inilalabas na detalye ang pulisya hinggil sa motibo at posibleng salarin sa insidente.

















