Pumanaw na ang isa sa dalawang sundalo ng Philippine Army na binaril sa Crossing Simuay Junction, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kahapon, Nobyembre 24.

Kinumpirma ito ni PRO-BAR Spokesperson PCPT Steffi Salanguit sa panayam ng 93.7 Star FM Cotabato.

Ayon kay Salanguit, dead on arrival sa pagamutan ang nasabing sundalo matapos magtamo ng tama ng mga bala sa nasabing pamamaril.

Samantala, kritikal pa rin ang kalagayan ng isa pang sundalo na isasailalim sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek kaugnay ng insidente.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang iba pang detalye ng krimen.