Magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Cotabato City at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa Nobyembre 28 at 29 dahil sa nakatakdang maintenance at upgrading ng mga linya ng kuryente.

Ayon sa abiso ng Cotabato Light, unang isasagawa ang power interruption sa Sabado, Nobyembre 28, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Rosary Heights 11, Cotabato City at mga karatig na lugar para sa line maintenance activity.

Mauuna rito, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa kaparehong araw, mawawalan din ng suplay ng kuryente sa Datu Odin Sinsuat, partikular sa Tamontaka DOS at mga kalapit na lugar, upang bigyang-daan ang upgrading ng mga linya.

Samantala, nakatakda ring magkaroon ng power interruption sa Linggo, Nobyembre 29, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa bahagi ng 6ID Awang, Datu Odin Sinsuat at mga karatig na lugar para sa kaparehong upgrading activity.

Pinayuhan naman ng Cotabato Light ang publiko na mag-ingat sa mga lugar na isasailalim sa pagkukumpuni at maintenance, gayundin na sundin ang mga warning sign upang maiwasan ang anumang aksidente habang isinasagawa ang mga trabaho.