Panalo at muling ibinandera ang watawat ng ating bansa ang mga manlalaro ng Philippine Tennis Academy Juniors na sina Miguel Iglupas, Stefi Aludo at ang dangal ng bayan ng M’lang na si Tenny Madis na estudyante ng Southern Baptist College sa gimanap na J60 Colombo International Tennis Federation Championships sa bansang Sri Lanka kamakailan.

Apat na titulo ang nakamit ng tatlo sa naturang kumpetisyon. Ayon sa kanila, mahirap sa kanila ang naging pagsasanay sa Sri Lanka dahil sa naging masamang panahon sa naturang bansa. Nagpakitang gilas ang 16 year old na si Aludo at 18 na si Madis sa Week 2 at nangibabaw ang kanilang laban hanggang sa Round 32 dahilan upang maglaban ang dalawang Pinay sa pinale.

Si Madis ang nanalo sa laban nina Aludo na may 6-3, 6-2 at inaasahang aakyat pa ito sa 909 ilang pwesto sa unahan ni Aludo na nasa 913. Pinalawak din ng magkatambal ang kanilang kahusayan sa Girls Doubles ng masungkit ng mga ito ang kampeonato ng naturang dibisyon. Apat na ginto at isang pilak na medalya ang iuuwi ng tatlo pauwi.

Anim na taon pa lamang si Madis ng nahilig na ito sa larong tennis at sumabak na ito sa internasyonal na kampeonato sa batang idad pa lamang na 10 anyos.