Sapul sa CCTV ang paghuli ng mga kapulisan sa isang akyat bahay na naaktuhang nagnanakaw sa isang bahay sa Barangay Balindog sa Kidapawan City.

Sa FB post ni Edward Jake Paman na siyang uploader ng naturang video, nagpaalala ito na posible pang maka biktima ang suspek sapagkat pinili na ng tatay nito na wag nang kasuhan ang magnanakaw.

Ayon pa sa post, maari pa aniyang gumawa ng kabalbalan ang nasabing magnanakaw at maaring mangransack pa ang naturang kawatan pag hindi ito madala o makasuhan sa mga kasalanan na ginagawa nito sa kumunidad.