Patay na ng matagpuan ang isang babaeng sanggol kahapon ng tanghali sa isang malawak at mainit na palayan sa Barangay Bagumbayan sa Tulunan, Cotabato.

Sa FB live ng residenteng si Neneth Dandoy, natagpuan ng mga nag-aani na magsasaka gamit ang harvester ang wala nang buhay na sanggol.

Agad naman na tinungo ng MSWD Tulunan ang sakahan upang makuha ang bangkay ng sanggol at mabigyan ng disenteng libing. Iniimbestigahan at tinutunton naman na ng kapulisan ang walang pusong ina na nagtapon sa sanggol.