Nakatala na naman ng panibagong kaso ng hit and run sa highway ng Barangay Sibsib sa bayan ng Tulunan Cotabato kagabi.

Sugatan ang isang driver ng topdown tricycle matapos na mabangga ito ng isang van. Sa tindi ng impact, wasak ang minamaneho nito at humiwalay ang sidecar sa motorsiklo.

Isinugod naman sa ospital ang driver ng nasabing topdown. Lumilitaw base sa mga nakakita, walang ilaw ang nasabing topdown dahilan upang ito ay maaksidente.

Pinapaalalahanan naman ng mga autoridad na magilaw ang mga sasakyan, motor maging mga traysikel sa madilim na oras ng gabi.