Taliwas sa kagustuhan ng misis na si Vice Ganda na sa mga naging panayam nito ay sinasabi na ayaw nito sa pulitika, pinasok na rin ng noon time host na si Benigno “Ion” Perez ang mundo ng pulitika matapos itong magsumite ng kanyang COC bilang konsehal sa bayan ng Concepcion sa Tarlac.

Nagfile ang host ng kanyang COC kahapon, Oktubre 1 sa ilalim ng partidong Nationalist Peoples Coalition o NPC. Nakagrupo si Ion sa ilalim ng liderato ng NPC Concepcion na pinamumunuan nina Concepcion Mayor Noel Villanueva at Congressman Noel Rivera.

Hindi na rin bago sa noontime show na Its Showtime ang ganitong senaryo tuwing halalan dahil isa rin sa mga host nito ay ang kasalukuyang konsehal ng Makati na si Jhong Hilario.