Nagfile na ng kanyang kandidatura bilang Konsehal sa bayan ng Laak, Davao de Oro ang celebrity chef na si Pablo Logro o mas kilala sa tawag na si Chef Boy.

Naging tanyag ang bisayang kusinero sa telebisyon at nakapaghost na rin ito ng mga cooking shows sa isang TV network bago nito pasukin ang pulitika.

Matatandaan na naging first nominee din ng isang partylist para sa mga kusinero at mangagawa sa sektor ng Hospitality Management si Logro ngunit natalo ito, taong 2022.

Si Logro ay tatakbo ngayong halalan ng walang partido o indipindente.