Pumirma sa isang manifesto of support ang may labing pito (17) na Department Heads ng Cotabato City LGU upang ibigay ang all out na suporta nito sa alkalde ng lungsod na si Mayor Bruce Matabalao.

Nilinaw din ng mga ito na di sila pinapakialaman ni Matabalao sa pagnanais ng Sangguniang Panglungsod na ipatawag sila sa kapulungan.

Ayon sa kanila, mismong si Matabalao ang humimok sa kanila sa pamamagitan ng Office Order noong Setyembre 23 taong kasalukuyan na magbigay ng kaukulang suporta, input maging tulong sa pagbalangkas ng mga nasa Sangguniang Panglungsod.

Pinasinungalingan at binanatan din nila ang mga paratang ni Vice Mayor Butch Abu na hinaharang sila diumano ng alkalde upang di makapunta sa mga patawag ng Sanggunian.

Ayon sa kanila, consistent silang ginagawa ang kanilang obligasyon, nirerespeto nila ang limitasyon at sila ay lumilingon sa tinatawag na rule of law.

Sa huli, sinabi din ng labing pito na sila ay naninindigan sa likod ng Alkalde maging ng Sangguniang Panglungsod sa kanilang naisin na magkaroon ng pagbubuklod sa serbisyo publiko at pagtulong para sa lahat, anuman ang kulay ng pulitika o pinaniniwalaan.