Nagsagawa ng send-off ceremony ang Coast Guard District Southwestern Mindanao o CGDSWM para sa mga tauhan at BRP Tubbataha na itinalaga bilang suporta sa 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections.
Isinagawa ang seremonya sa Ben Go Wharf sa Zamboanga City kahapon, Setyembre 10.
Pinangunahan ni Acting Deputy Commander Capt. Angela C. Tobias ang seremonya, kung saan ipinaabot ang mensahe ni CGDSWM Commander Commodore Rejard V. Marfe tungkol sa tungkulin ng mga tauhan na tiyakin ang seguridad sa mga komunidad at rutang pandagat.
Binigyang-diin din sa deployment ang pagpapanatili ng pagiging non-partisan ng mga tauhan at pagsunod sa Konstitusyon at batas sa pagsasagawa ng kanilang election security duties.
Kasama sa mga idineploy ang BRP Tubbataha o MRRV 4401, habang bahagi rin ng seremonya ang mga opisyal ng iba pang Coast Guard vessels at support units sa ilalim ng CGDSWM.
Layunin ng deployment na makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na maritime environment habang isinasagawa ang unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

















