Pansamantalang sinuspinde simula ngayong araw, September 11, 2026 at hanggang sa susunod na abiso ang lahat ng operasyon ng BM Patrol, kabilang ang paggamit ng mga sasakyan nito.

Sa ilalim ng suspension, hinihiling sa publiko na i-report sa Office of the City Mayor kung may makitang BM Patrol vehicle na ginagamit o bumibiyahe.

Layunin ng abiso na matiyak na lahat ng BM Patrol vehicles ay maayos na accounted for at ginagamit lamang para sa kanilang opisyal na layunin.

Hinihintay naman ang susunod na abiso ng kinauukulang tanggapan hinggil sa pagpapatuloy ng operasyon ng BM Patrol.