Mabibili lamang sa opisina ng Bureau of Internal Revenue ang selyo o ang Documentary Stamp at walang autorisadong tao ang ahensya na maaring maglako nito sa publiko.
Ito ang paalala sa mamamayan ni BIR Revenue Region 18 Regional Director Juliet Chua.
Ayon sa direktor, wala silang reseller na pinayagan na maglako o magbenta nito.
Maari lang din anyang mabili sa mga regional at district offices ng BIR ang documentary stamp tax.
Wala aniyang pananagutan sa peke o hindi tamang pagbili ng mga documentary stamp sabay sabi na may kaparusahan ang sinumang magbebenta ng pekeng documentary stamp sa publiko.
Ang BIR ay omo-obliga sa mga taxpayers na maglagay ng documentary stamp sa kanilang mga dokumento, agreements, acceptance papers, assignment sale, paglipat ng obligasyon, karapatan maging propriedad.
Naging sikat din ang nasabing documentary stamp noong linggo ng filing ng Certificate of Candidacy dahil inatasan ng COMELEC ang lahat ng mga kandidato na maglagay din nito sa kanilang kopya ng COC form bilang reglamento sa kanilang paghahain ng kandidatura.
May presyo na kinse (15) pesos at trenta (30) pesos ang documentary stamps ng BIR.