Isang anak ng Bangsamoro ang wagi sa isang patimpalak para sa pagbasa at pagmemorya ng Quran sa bansang Malaysia.

Nasungkit ni Alqraari-ah Uztadza Raihana Ambangala ang ikalawang pwesto sa ginanap na 64th International Al-quran Recital and Memorization Assembly na ginanap sa World Trade Center, Kuala Lumpur Malaysia.

Kasabay ng panalo ni Ambangala, winagayway din sa naturang lugar ang bandila ng Pilipinas, Bandila ng BARMM Government maging ng NCMF SOCCSKSARGEN. Si Ambangala ay isang Maguindanaoan na mula pa sa bayan ng Pikit, North Cotabato.