Isasagawang muli ng Ministry of Labor and Employment o MOLE BARMM ang taunan nitong Bangsamoro Workers Summit at Productivity Olympics bukas, Octubre 22, Martes sa Robinsons Hall 1 at 2 sa Mall of Alnor, Cotabato City.
Ang tema para sa taon na ito na “Tripartism: Transcending Barriers, Bridging Gaps for Inclusive Economic Growth in Bangsamoro” ay nakatuon sa importansya ng kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno, employers at ng labor sector na siyang nagaabanse ng sustenable at inklusibong pagpapalakas ng ekonomiya sa rehiyon.
Kasama rin sa nasabing summit ang talakayan, productivity awards maging ang kolektibong aksyon para sa ikauunlad ng mangagawang Bangsamoro.