Isang solid na 1D fan o Directioner ang naghanda ng lamay para sa kanyang idolo na si Liam Payne na kamakailan lamang ay pumanaw. Ibinahagi ng isang Directioner ang paraan nito upang magdalamhati sa pagpanaw ni 1D member Liam Payne.

Sa ibinahagi nito na post, idinahilan nito na hindi sya makakapunta sa mismong burol kung kaya’t sya na lang ang gumawa ng sarili nitong lamay para kay Liam.

“Yung hindi ka nakapunta sa lamay ni Liam kaya nagpagawa ka ng sarili mong lamay,” wika ng naturang fan.

Bukod sa lamay na ito, may kaniya kanya ding memorial tribute para kay Liam na inihanda ang bawat directioners na maaring puntahan ng mga kapwa nila directioners.