Natumbang puno ang dahilan upang makaranas ng matinding daloy ng trapiko ang mga dumaraang motorista sa Narciso Ramos Highway partikular na sa bahagi ng Lower Timbangan, Parang sa Maguindanao Norte.

Natumba ang puno sa highway sa kasagsagan ng malakas na ulan noong biyernes ng tanghali.

Bagamat walang naging casualty ang naturang insidente, abot langit naman na perwisyo ang dinulot nito sa mga natrapik sa lugar.

Nakaranas naman ng power interruption ang mga residente sa lugar dahil sa pagkaputol ng mga kawad ng kuryente ng nabuwal na puno.

Sa ngayon balik normal na ang trapiko at maging ang suplay ng curiente sa lugar.