Magkakaroon ng traffic rerouting ang Cotabato City Police Office hinggil sa paparating na araw ng mga Patay sa darating na weekend, Nobyembre 1 at 2.
Isasagawa ang naturang Rerouting ngayong araw ng Miyerkules, Octubre 30 at tatagal hanggang Nobyembre 2, araw ng sabado.
Para sa mga pupunta ng Catholic Cemetery, ang mga dadaan papuntang Sinsuat Ave. National Highwat patungong downtown ay maaring kumaliwa sa Bomaheco samantalang ang mga papunta naman ng Awang/Highway ay maari pa ring makaraan sa Sinsuat Avenue National Highway.
Para naman sa mga pupunta sa pampublikong sementeryo, sarado sa lahat ng mga sasakyan ang kalye ng Don E. Sero sa gilid ng Police Station 2 samantalang ang daan sa likod ng sementeryo at ang Sero Central School sa Martinez St. ay magiging One Way Street at pinapayagang lumabas lamang sa Sinsuat Avenue.
Sa Chinese Cemetery naman ay bukas ang mga kalye sa nasabing sementeryo.
Dagdag pa ng CCPO, wag magatubiling tawagan sila sa oras ng pangangailangan lalo na sa kriminalidad.