Matagumpay na nagtapos sa kanilang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Istatistika o 35th National Statistics Month ang PSA BARMM na ginanap kamakalawa sa South Seas Complex sa lungsod.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtatapos sina Ms. Zarina Aligsao ng BSP Cotabato, Engr. Amil Abubakar ng BPDA at kinatawan ni Director General Mojahirin Ali at Mr. Edward Cabalida ng BSP Mindanao.

Naging highlight naman sa event ang awarding ceremony para sa mga babalo sa poster making at infographic contests. Pinangunahan naman ng OIC ng PSA RSSO BARMM na si Engr. Akan Tula ang nasabing programa ng pagtatapos.