Nagpakita ng suporta sa nakaambang pagpapaliban ng halalang parliamentaryo sa BARMM ang sampu mula sa labindalawang mga punong bayan sa lalawigan ng Basilan.
Pumirma sa naging position paper ang sampung alkalde ng mga bayan ng Lamitan City, Lantawan, Tabuan Lasa, Ungkaya Pukan, Albarka, Akbar, Muhtamad, Sumisip, Tipo-tipo at Haj Muhammad Ajul.
Matatandaan na una na ring nagpakita ng suporta ang mga alkalde ng Maguindanao del Norte sa naturang BPE postponement.