Mariing itinanggi ni Barangay Kalanganan Mother Chairman Datu Bimbo Ayunan ang pagkakasangkot niya at ng kanyang mga kapatid sa naganap na putukan sa Sitio Pokling, Barangay Sambilawan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Sa pahayag na inilabas ng kanyang panig sa Facebook, sinabi nitong nasa Malacañang Palace sa Maynila si Ayunan nang mangyari ang insidente dakong alas-3:08 ng hapon.
Bilang patunay, naglabas din ang kanyang panig ng kopya ng tiket at mga larawan ni Ayunan habang nasa Presidential Management Staff o PMS.
Itinanggi rin nito ang mga kumakalat na social media post na nag-uugnay sa tinatawag na “Ayunan Brothers” sa nasabing insidente.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga sangkot at ang motibo sa likod ng naturang putukan.

















