Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front–Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG) at MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (MILF-CCCH) sa pamunuan ng 2nd Mechanized Brigade ng Philippine Army upang talakayin ang mga usapin sa kapayapaan at seguridad.

Isinagawa ang coordination meeting noong Nobyembre 26, 2026 sa headquarters ng 2nd Mechanized Brigade sa Ditucalan, Iligan City.

Kinatawan ng MILF-AHJAG sina Core Member Ayobkhan Usman, Team Site 2 Leader Musjtaba Macapaar at miyembro nitong si Salic Mai, habang dumalo naman mula sa MILF-CCCH si Mr. Maclary.

Nakipagpulong ang mga ito kay Brigadier General Taquiban ng 2nd Mechanized Brigade at General Cordova, Deputy Division Commander ng Tabak Division.

Nakasentro ang talakayan sa pagpapalakas ng dayalogo, koordinasyon at pagkakaunawaan sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan at seguridad.

Layunin din ng naturang pagpupulong na suportahan ang pagpapatuloy ng mga nakamit sa Government of the Philippines–MILF Peace Process.