Muli na namang pinatunayan ng mga Cotabateño na ang Dugong Cotabato ay Dugong Bombo.

Ito ay matapos na makalikom ang Dugong Bombo 2024 na isinagawa ng 93.7 Star FM Cotabato katuwang ang Philippine Red Cross at ng Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. ang humigit sa 60,000 na CC ng ibat ibang uri ng type ng dugo sa mga nakiisa sa naturang blood letting activity noong Sabado, November 16 sa City Mall Cotabato.

Ang bilang ng CC ng dugo na nalikom sa naturang aktibidad ay ayon naman sa tala ng Philippine Red Cross- Maguindanao Chapter.

Abot abot naman ang pasasalamat ni Star FM Cotabato Station Manager Mr. Reynan Doce sa mga matiyagang pumila, nagpalista at sa mga organisasyon maging sa ibat-ibang mga sekta na nakiisa sa matagumpay na proyekto.

Lubos din ang naging pasasalamat ng himpilan sa mga sponsors, stakeholders at sa mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa mabuting hangarin ng himpilan na maraming maisalbang buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagbabahagi ng dugo.

Kada taon sa loob ng 18 years, ang Dugong Bombo ay taunang bloodletting project na tinaguriang ng mismong PRC bilang most bloodiest one day bloodletting project na isinasagawa sa 24 key cities sa buong bansa kabilang na ang Cotabato City.

Ito rin ang isang proyekto at pilosopiya ng pagtulong sa nangangailangan na itinanim sa publiko ng mismong Chairman ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio M. Florete na sinususugan naman ng anak nito na si Ms. Margaret Ruth Florete, ang presidente at CEO ng Bombo Radyo Philippines.

Muli, ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong lahat at magkita kita tayong muli sa susunod na taon ng Dugong Bombo. A little pain, a Life to Gain.