Dumulog sa kataas taasang hukuman o Supreme Court ang grupo ng mga Bangsamoro Professionals upang kwestiyunin ang legality o pagiging legal ng batas noong 2022 na nagpalawig sa termino ng mga nakaupo sa Bangsamoro Transition Authority o BTA hanggang taong 2025.

Ito ay may kaugnayan hinggil sa nakaambang pagsulong ng isang batas sa makipot at maluwang na kapulungan ng kongreso na magpapalawig muli sa termino ng kasalukuyang BTA kung maging batas ang kahilingan na nagpapaliban sa nakatakdang Bangsamoro Parliament Elections sa susunod na taon.

Ayon kay Atty. Hannief Ampatuan, ang legal counsel ng nabanggit na grupo, layunin ng kanilang petisyon na ituwid ang mga batas na lumilihis sa konstitusyon.

Ito ay matapos na matanong sila kung timing ba ang naturang pagkwestiyon sa pagtatapos ng termino ng kasalukuyang BTA.

Ayon sa grupo, posibleng lumalabag ang batas ng pagpapalawig sa karapatan ng mga mamamayan at ng rehiyon at maari pa aniyang magkaroon ng mga implikasyon sa parliamentary system na meron ang rehiyon.

Pagtititiyak na marinig ang mga boses ng mga mamamayang Bangsamoro ang nagtulak sa mga petitioners na ituloy ang pagkwestiyon sa pinakamataas na hugpungan ng korte at ito ay korte suprema.

Naniniwala naman ang mga petitioners na dapat ay magsagawa ng plebesito upang mabigyan ng pagkakataon aan bawat mamamayan na maipahayag ang kanilang sentimento sa pagpapalawig.

Sa huli, umaasa ang mga petitioners na ang aksyon nila na ito ay hahantong sa isang legal solution na magbibigay ng respeto sa karapatan at boses ng lahat ng mga mamamayang Bangsamoro at titiyak na anumang gagawing pagpapalawig ng BTA sa hinaharap ay constitutional compliant o nasunod sa konstitusyon ng bansa.