Blangko ang mga residente maging ang dumaraan sa bayan ng Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat kung bakit naging kulay pula ang tubig na dumadaloy o umaagos sa Dadol River.
Ayon sa mga residente, sa tinagal tagal na nilang nakatira sa lugar na malapit sa ilog, ngayon lang nila nakita na nagkulay pula ang tubig nito.
Ang tubig ay mula sa Barangay Datal Blao at dadaan sa mga baryo ng New Bantangan, Telafas at Libertad bago ito pumunta sa bayan ng Datu Paglas.
Iiniimbestigahan na ng LGU partikular na ng MENRO ng bayan ang nasabing kakaibang kulay ng tubig sa ilog ng Dadol. Naipaabot na rin sa DENR ang nasabing phenomena sa naturang ilog.